Diary Blogs

WTH? U No Writing?

Kelan na nga ba ako huling nagupdate? Hindi ko alam–at hindi ko na talaga maalala.

It’s sucks big time.

Stress reliever sa’kin ang pagsusulat sa wattpad. Doon ko naiilalabas ang lahat ng pagod ko sa pagaaral at pagtakas ko sa realidad. Nakakapagpahinga ako at nakakahinga. Sa pagsusulat kasi ng stories, ikaw lang ang masusunod. Walang sasagabal sa’yo. Ka-vibes mo pa lahat ng characters mo. Diyos ka kumbaga sa sariling stories na sinusulat mo.

But what the hell happened? A lot.

Stressful kasi nga ang 2015. Ang daming sakit at pagpapaasa-medyo hugot pero totoo. And suddenly I came to the point na I gave up and lost all the motivations and inspirations inside me. Andyan ang depression at pressure.

Masaya ang magsulat. Sobra. Pero dahil nakikilala ang story ko, masyado akong na-overwhelm sa pagmamahal nila sa stories ko. I set my standards so high na kahit ako mismo hindi ko na maabot ang gusto ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko tuwing bubuksan ko na ang MS Word at makakatapos ng ilang paragraph: “No, this is not what I want.” or “Wth, Tin? Ito na ‘to? You can do better than this.”

And instead of motivating me, I lost it. Pati ako nagsawa na sa rants ko sa sarili ko. I gave up.

I have so much plans for Boyfriend Corp, kahit mga short stories at bagong romcoms–nawala. Andito pa rin sila pero hindi ko magawang gawin silang chapters ng storya. I dreamed of perfect plots for Alexa at Gatorade… Kinukulit ako ni August (I love her and I feel bad dahil di ko nga masimulan ang story niya). Pinagpapantasyahan ko na sina Zuji, Maro, at isang leading man na wala pang pangalan pero leche GD and TOP inspired.

At isang storya na sobrang dami ng drafts, nakahandang plots at hanggang ngayon inaayos ko pa ang mga characters–pero wala. Nakaimbak. Nga-nga. Pati sarili ko, pinaapasa ang sarili ko. Paasa-ception. @#$#^!

NAKAKALOKA. NAKAKASTRESS. HINDI KO MAKAYA.

Busy ako, oo. Loaded ako ng Monday hanggang Sabado. Andyan ang trabaho, pag-aaral at me-time. I nagged a lot last year dahil sa pagod at nagiging dahilan ko nalang ‘yon para yung me-time ko, masayang sa pagbababad sa internet. Booooo! Ang sama mo, KM!!!!

At hindi ko na alam ang gagawin ko. Naging stressful na rin ang pagsusulat. Naiiyak lang ako tuwing bubuksan ko na si MS Word dahil naaawa ako at sobrang namimiss ko na ang mga characters ko.

I don’t even have time to read books. Lecheng ‘yan.

But I hope this year, magagawa ko. Sapilitan na kung baga. No more Miss Nice Conscience. Pati sarili ko kakalabanin ko na.

I really need to write because I want it so badly. Kahit lagyan ko na ng debit at credit ang storya ko, makaraos lang.

I’m expecting a lot from you, KM. Kaya mo ‘yan.

Wag mo nalang pansinin na ilang araw nang nakakalipas ang January.

Oh well…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s